Pulangi:
Ang Ilog na Humubog
sa Maraming
Henerasyon
Sipi mula
sa Regional Profiles: Peoples and Places (Adarna House, 2009)
Hanggang kamakailan lamang ay sa Ilog Pulangi umiinog ang mundo ng mga
taga-
Gitnang Mindanao. May dalawang pangunahing direksiyon lamang ang
Maguindanao:
ilod; pababang agos; at laya, pasalungat sa agos.
Itong ilog na tinatawag ring Rio Grande de Mindanao ay tumatawid
pababa sa
kanlurang bahagi ng Lungsod Cotabato, at pasalungat na sumusuot sa
agos–pasilangan,
pahilaga, at patimog–sa mga lalawigan ng Maguindanao, Hilagang
Cotabato, Sultan
Kudarat, Bukidnon, at Agusan. Ang mga lalawigang ito, maliban sa
Bukidnon at Agusan,
ang bumubuo sa dating binansagang Imperyo ng Lalawigang Cotabato.
Sa loob ng ilang henerasyon, mula sa panahon ng aking lolo sa tuhod
hanggang sa
noong ako’y bata pa, ay ito ang naging pangunahing rutang
pangkalakalan ng rehiyon.
Kahit ang galeon ng Espanyol at Olandes, at maging ang mga bapor ng
Britanya, ay
naglayag mula sa karagatan patungong Salimbao ng Nuling, ang luklukan
ng Sultan ng
Maguindanao. Umangkat sila ng maraming kalakal, kabilang na rito ang gutta
percha,
isang uri ng likido na parang kola, na ginagamit ng mga taga-kanluran
bilang insulator sa
mga nakalubog na linya ng telepono sa Atlantiko.
Para sa aming mga bata noong dekada-70, pugad ito ng pagsasaya sa
pagligo,
pamamangka, paghuli ng ibon at pamimingwit. Kapag tag-araw, isinasama
kami ng aking
nasirang ama, na isang manlalayag, sa paghahatid ng mga pasahero’t
produkto gamit
ang mga bangka papunta at pabalik mula sa Lungsod ng Cotabato at sa
Datu Piang,
ang mga sentro ng kalakalan sa Maguindanao. Minana ito ng aking ama,
si H. Muslimin
Maulana, mula sa aking lolo, si Datu Timpolok Buisan, ang ama ng aking
Inang si Bai
Ma’mur Rahma Buisan. Ang mga Bangka’y tinawag na Fresco I, II, III, at
ang pang-apat
ay ipinangalan sa kapatid kong si Nasser. Hindi lang mga kargamento’t
pasahero kundi
pati mga guro at mga aklat pampaaralan ang itinatawid ng mga bangka sa
buong rehiyon
namin.
Kahit na nagbigay ng trabaho ang industriya ng transportasyon,
umusbong din sa Ilog
Pulangi ang ilang industriyang masamâ para sa kalikasan. Napakaraming
bangka ang
humila ng balsa-balsang troso-ipinaaanod sa agos ng ilog hanggang
makarating sa bukas
na dagat. Ilang punongkahoy na ba ang dumaan sa Ilog Pulangi?
Naramdaman lamang
ang mga epekto ng labis na pagputol ng mga punongkahoy sa balanseng
ekolohiko
pagkalipas ng isang henerasyon.
Sa kasalukuyan, hindi na maaring mamangka gaya nang kinawiwilihan ng
marami
nang ako’y bata. Naghihingalo na ang ilog. Umaapaw na ito dahil sa
pagguho ng lupa
sa pampang nito, na dulot naman ng patuloy na pagkalbo sa kagubatan.
Nakalulungkot
isiping hindi na kailanman masasaksihan ng aking henerasyon at ng mga
susunod pa ang
ganda at
ang biyaya ng Ilog Pulangi.
No comments:
Post a Comment