Bertdey ni
Guido
Isang Yungtong Musikal
Halaw sa librong Bertdey ni Guido.
Nailathala ng
Lampara Books.
Mga Tauhan
GUIDO, magsisiyam
na taong gulang
MOMMY, mother ni
Guido, mid-30s
DADDY, father ni
Guido, mid-30s
AYI, yaya ni
Guido, mataba, motherly, 40s,
may tendensing maging over-acting at melodramatic
BUBOY, kapitbahay
ni Guido sa subdivision,
9 years old, spoiled at KSP
Iba pang Tauhan
MARCOS/FIRST LADY
CARDINAL SIN/CORY
RAMOS/ENRILE
MADRE/WORKER
MGA MARINES/ETC.
TALA:
Ang dula ay isinulat para sa limang aktor lamang. Kung marami
ang gaganap, mas mabuti. Ang IBA PANG TAUHAN ay gagampanan din ng limang aktor,
pero magususot ng maskarang angkop sa tauhan. Minsan, maaaring dalawang
maskara ang suot ng isang aktor. Isa sa harap, isa sa likod. Maaari ring billboard
na parang maskara ang nakasuot sa ulo. Pero magmamaskara lang ang mga aktor kapag
ibang tauhan ang ginagampanan nila. Si GUIDO lamang ang hindi magpapalit ng
papel sa kabuuan ng dula. Makatutulong kung gagamit ng ilang oversized props at
carton cut-out bilang
standees para i-recreate ang damit ng tao sa EDSA. Sa gilid ng tanghalan laging may malaking kalendaryo na
maghuhudyat ng panahon ng dula.
Ang pagpapalit ng petsa ay magsisilbi ring pagpapalit ng tagpo.
PEBRERO 1986
Sa private road ng isang upper middle
class na subdivision, sinsipa-sipa ni GUIDO ang
isang malaki at makulay na bola habang
susunod-sunod, nang-aasar, sa kaniya si BUBOY na may hawak na ice cream sa
cone. Kakanta si Buboy sa pagitan ng pagdila sa ice cream. Habang nagaganap ng
eksena, daanan nang daanan, isa-isa o pares ang mga ordinaryong tao na abala sa
kaniya-kaniyang concern at walang paki sa isa’t isa. May namamasyal. May magde-date.
May nagtitinda ng balut. Maiikling character ad lib lang ang kailangan dito. Nakamaskara
sila, ordinaryong damit ang suot. May naka-walkman, attaché case, atbp. Nagmamadali,
hindi nila pinapansin ang dalawang bata. Magsisimula ang tagpo malapit nang
dumilim hanggang sa unti-unting lumalim ang gabi.
BUBOY (Pakanta):
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Me maghahanda sa kaniyang bertdey parti!
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti (3x)
‘Yon lang handa sa kaniyang bertdey parti?!
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti (3x)
GUIDO:
Ano’ng ‘yon lang? Marami pa!
BUBOY:
Sige nga, ano-ano?
GUIDO:
Bakit ko sasabihin?
BUBOY:
Kasi wala nang iba kundi ...
(Pakanta uli.)
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti (3x)
GUIDO:
Hindi ko
sasabihin kasi … surprise!
BUBOY:
No’ng bertdey parti ko, merong cake!
GUIDO:
Ako rin! Me Batman at Robin pa sa ibabaw!
BUBOY:
No’ng bertdey parti ko, meron pang clown!
GUIDO:
Ako rin! Dalawa pa! Si Happy at si Funny!
BUBOY:
Hmp! No’ng bertdey parti ko, me magic!
GUIDO:
Sa akin, may storyteller pa! “Once upon a time, a long, long time ago …”
BUBOY:
A, basta, laos ang bertdey parti mo sa bertdey parti ko! Ang handa mo
lang. (Pakanta.)
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti! (Paulit-ulit hanggang mag-exit.)
GUIDO (Pasigaw):
Kahit na! Basta, hindi ka imbayted sa parti ko!
Di ka makakatikim ng ... (Pasuyang
kakanta, habang pinagdidiskitahan ang bola.)
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti (3x)
Leche flan, lechon, lengua, macaroni!
Me Andok’s morcon, salad, chicken mami!
Sandwich, puto, cuchinta, chicken honey!
Pastillas, marshmallow, fried chicken, pitsi-pitsi!
Siopao, juice, suman, kalamay, tutti-fruitty!
Monay, chicharon, suman, cotton candy!
Mamon, hotcake, bijon, hamburger, sundae, chicken joy,
dinuguan, laswa,
dinengdeng,
mechado,
menudo,
paksiw,
adobo,
p-p-pinapaitan
Worcestershire sauce,
TERIYAKIII!
Ibabato ni GUIDO ang bola niya sa inis. Papasok si AYI, may
bitbit na transistor. Maririnig ang kantang “Pidro” ng Apo Hiking Society.
Bigay na bigay ang sayaw ni AYI. Malapot ang puntong-Bisaya ni Ayi, kahit
matagal na siya sa Maynila at nagsisilbi sa pamilya ni Guido. Pansinin: hindi
lahat ng linya ni Ayi ay isinulat ayon sa kaniyang punto. Bahala na ang aktor
at gaganap. Gabi na.
AYI:
Sus, Guidu, dius miu. Gabing-gabi na, nasa labas ka pa? Mag take a shower
ka na!
GUIDO:
Ano’ng oras darating sina Mommy at Daddy?
AYI:
Malay ku? Baka nag-uubirtaym sila. Para madagdagan ang kita at
panggastus sa nimo.
Para sa iskul mu, sa iskul bus mu, sa iskul uniform mu, baun mo sa
iskul, field trip ng iskul
mu’ ... Saksakan ng gastus! Kaya kayudkalabaw ang Mommy at Daddy nimu.
Huwag mo
na silang hintayin!
GUIDO:
E pa’no na ’yan? Sinong magpaplano ng birthday party ko? Three days na
lang, nine
years old na ako.
AYI:
Nine years old lang, pinuprublima mu? Aku nga, furty na, ukey pa rin!
(Magpapa-sexy ng
pose, saka biglang matataranta.) Anooo? Nine ka na?! Oo nga pala!
Hihilahin si GUIDO at tarantang kakapkapan sa buong katawan,
hahaplusin ang mukha
nito nang pauli-ulit, na parang noon lamang niya nakita ang
alaga.
AYI:
Sus, ginuu, ang baby na dating kinakarga-karga ko, pinapaliguan,
pinapalitan ng lampin,
nilalagyan ng bigkis para hindi umusli ang butod, pinapahiran ng
aceite de mansanilla sa
tiyan para laging mautot – kulang na lang pasusuhin kita sa sarili
kong dibdib! Sus, ginuu, Guidu, binata ka na pala! At ako nama’y nagiging
tigulang na tonta! Bertdey mo na nga pala, two days from now. Muntik ko nang makalimutan!
GUIDO:
Kailangan nang gumawa ng mga invitation cards para sa classmates ko
saka mga friends
nila. Baka di sila magpunta kung wala silang invitation. Baka
makalimutan nila ang birthday ko!
AYI:
Sus, Guidu, ang laki ng prublima mu! Ako ang tutulung gumawa ng card
at magplanu ng
parti nimu!
GUIDO:
Marunong ka ba?
AYI:
Aba, syimpri! Kaya nga yun ang trabahu ku. Katulung. Maid. Yaya. More
sophisticatedly
known as Maitre d in France. Domestic Worker sa Hongkong. Filipinas sa
London! In
other words, party planner, laundry woman, dishwasher, gardener, at
kung pilyo si Kuya,
Sex Object! Ahayyy!
Yes, I am a Maid. And proud to be one. Ang Bagong Bayani! Unsung
Heroes! Unpaid
Diplomats. All-around talent. Round-the-Clock-Dependable. At your
service, twenty-four
hours a day, seven days a week, and thirty-days a month, except
January, March, May,
July, September, October and December. Plus of course, February, which
sometimes has
twenty-eight or twenty-nine!
Don’t worry, Guidu, kayang-kaya kong planuhin ang parti nimo. Alam ko
ang ihahanda …
(Sabay silang kakanta ni GUIDO habang pa-exit).
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Paglabas nina AYI at GUIDO, maririnig ang recorded na panawagan
ni CARDINAL SIN na magpunta ang mga tao sa EDSA. Habang nagpapalit ng eksena,
humahangos na daraan sa tanghalan ang iba-ibang uri ng tao papunta sa EDSA.
Nakamaskara sila, pero may suot o props na magpapakilalang Corysta sila o
anti-Marcos. Naka t-shirt na dilaw o mayLaban sign. Lahat ay nagmamadali. Muli,
makatutulong ang maiikling character adlibs.
Kasabay nito ang papalakas na halo-halong tunog, ingay, tugtog,
islogan, at sigawan sa
EDSA habang bahagyang madidilim ang tanghalan.
PEBRERO 23, LINGGO
Naka-pajama, nasa kama si GUIDO. Nakadapa, nagsusulat sa
mahabang listahan ng
mga gusto niyang matanggap na regalo. Nasa mesa si AYI, kaharap
pa rin ang transistor na patuloy na nagbabalita ng mga pangyayari sa EDSA.
Gumagawa siya ng isang bundok na sandwiches. Bababa si GUIDO mulang kama at
bantulot na lalapit kay AYI.
AYI:
Gud morning, little boy. Natapos mu na ba ‘yung listahan ng bertdey
wish mu?
GUIDO:
(Iaabot kay Ayi ang isang yardang listaha.) Hindi pa nga e. Nasaan
sina Mommy?
Dadampot si GUIDO ng sandwich. Kakain.
AYI:
(Dadamputin ang listahan.) Sus, Guidu, dius mio! Mas mahaba pa sa
rice terraces ang
listahan ng bertdey wish mu! Sana sinabi mu na lang, Gustu mung maging
si Marcos,
para lahat ng gustu mu, makukuha nimo!
May daraang carton cut-out ng isang tangke sa harapan nila.
Sa likuran nila o sa magkabilang gilid ng stage, pantomime ng
nangyayari sa EDSA
at Malacañang. Mga nakamaskara ang mga tauhan. Doble ang
mascara ng bawat
aktor. Isa sa harap at isa sa likod ng ulo. Halimbawa, sa
kanan, si MARCOS/IMELDA.
Sa kaliwa, si RAMOS/ENRILE. Ipapasok ding isa-isa ang carton
cut-out ng standees na
kinabibilangan ng mga tauhang nasa EDSA nang araw na iyon.
Lalakas ang naka-taped na ingay at hiyawan ng magka-kontrang kampo. “Cory!
Cory!” “Marcos pa rin! Marcos pa rin!”
Maririnig ang malakas na boses ni CARDINAL SIN. Nananawagan na
magpunta ang mga tao sa EDSA. Paulit-ulit.
Nenerbiyusin si AYI. Hihilahin sa tabi niya si GUIDO para
magtago sa ilalim ng mesa.
AYI:
Nagriribulusyun na, Guidu! Kanina pang madaling-araw nagpunta sa IDSA
ang Mommy at
Daddy nimu! Sasamahan daw nila ang mga tao sa pagtulong kina Ramos at
Enrile laban
kay Marcos. Ayan pakinggan mu, ang dami-dami na raw tao sa IDSA.
Hihilahin si GUIDO para magtago sa ilalim ng kama. Hindi sila
kasya, babalik sila sa
ilalim ng mesa.
AYI:
Dius mio, Guido! Dali! Dali! (Maaabot
ni AYI ang payong. Bubuksan ang payong sa ilalim
ng mesa para gawing cover sa harapan nila.) Isuot mo itong gas mask. Totohanan na
ito!
Sus, Guido, dius mio!
Isusuot ni GUIDO ang gas mask, na dali-dali namang huhubarin sa
kaniya ni AYI.
AYI:
Ay, nu, nu, nu, nu! Mali, mali! Hindi ka pa puwedeng magsuot nitong
gas mask, Guidu.
GUIDO:
Bakit?
AYI:
You have to tiyk a shower first!
GUIDO:
Kaka-shower ko lang kabagi.
AYI:
But today is another day! February 23 na today! Remember this day.
This is a very
historic day.
GUIDO:
February 23 is two days from my birthday! A very special and historic
day! Babalik agad
si Mommy? Gagawa pa kami ng mga invitation!
AYI:
(Magpapalahaw ng iyak.) Oh, this can’t be true! You just gave me a living,
incontrovertible, unassailable proof that I failed. I failed! God, how
I failed in bringing
you up as a sensible Little Boy. Tama talaga si Ate Guy, “Walang
himalaaa!” Kahit araw-202 203
araw kang nag-a-Our Father at Holy Mary, Mother of God. Hindi ka pa
rin natututo,
Guidu. Look at you! Look at you, Guidu. Nagkakagulo na ang mga tao.
Naggagapangan na ang mga tangke. Nakakasa na ang mga armalite. Ang
dami-dami
nang nagbuwis ng dugo … sa Red Cross ni Rosa Rosal – pero sarili mo pa
rin ang iniisip
mo! Bertdey mo pa rin ang importante sa iyo. Mga invitation cards pa rin
ang mahalaga
sa iyo. Sus, Guidu, dius mio! Ano’ng klase kang Filipino? Sabi pa
naman ni Ninoy, “the
Filipino is worth dying for!”
Nagsakripisyo ba ang ating si Ninoy – (Ala-Cory). My
Ninoy! Our Ninoy! –so you can
celebrate your ninth birthday?
Maiinis si GUIDO. Magta-tantrums.
GUIDO (Sisigaw):
I just want to know: Is Mommy coming back soon?
Mahihimasmasan si Ayi.
AYI:
Hindi! Sabi ng Daddy nimu, daraanan daw niya itong mga tinapay bago
mananghali. Sige,
mag-almusal ka na!
Matamlay na kakain ng sandwich si GUIDO.
GUIDO:
Dalawang araw na lang, bertdey ko na. Baka hindi matuloy ang party ko!
Tutulo ang luha ni AYI sa matinding awa sa alaga. Sabay silang
kakanta, habang lilipat,
darapa, sa kama si GUIDO, dala ang transistor. Lalakasan ang
radyo, ililipat ng istasyon pero puro coverage ng EDSA ang maririnig. Makikinig
siya ng balita habang kain ng kain ng sandwich. Tatabihan ni AYI sa kama ang
alaga. Alalang-alala. Magduduweto sina Ayi at Guido.
GUIDO/AYI (Kakata):
Dalawang araw na lang,
Bertdey ko na!/ Bertdey na niya!
Isa, dalawa, two days na lang
Bertdey ko naaa!/ Bertdey na niyaaa!
Di na maiinip
Hindi mapipigil
Hindi mapo-postpone
Kahit pa bumagyo
Magseselebrasyon dahil
Bertdey ko naaa!/ Bertdey na niyaaa!
GUIDO:
(Habang nagsasayaw si AYI)
Apat na ikot ng relo!
Apatnapung oras at walo!
Bago magka-gulo-gulo!
Bertdey na! Bertdey ni Guidooo!
AYI:
(Habang nagsasayaw si GUIDO)
Sana’y magbago ang mundo
Mas masaya, walang gulo
May value na kahit piso
Walang gutom, me asenso
Sa bertdey, bertdey ni Guiduuu!
DUETO:
Pantay-pantay lahat tayo
Sa bertdey, bertdey ni Guidooo!
Humihingal na mapapaupo ang dalawa.
Samantala, habang nagaganap ang song number, unti-unting
kakapal ang mga tao
(cut-outs) sa likuran at tagiliran ng tanghalan. Sa pagitan ng
bawat dialogue sa ibaba,
sisingit nang salitan ang hiyawan ng “Cory! Cory!” at “Marcos
pa rin! Marcos pa rin”
kasabay ng malakas na busina ng mga sasakyan.
GUIDO:
Lagpas na ng tanghali. Bakit hindi dinaanan ni Daddy ang mga sandwich?
AYI (Pakanta):
Guidu, ayaw mu bang
Lumabas
Para mag-bike …
GUIDO:
Nakalimutan na rin siguro nina Daddy at Mommy ang bertdey ko.
AYI (Pakanta):
Guidu, ayaw mu bang
Maglaro
Do’n sa labas?
GUIDO (Malungkot):
Ayoko. Makinig na lang tayo ng balita sa radyo.
Pipihitin ni Guido ang volume tuner. Lalakas ang transistor.
Maririnig ang recorded awit
ng koro, pinagtagni-tagning piraso ng mga balita, habang
binabago ang ayos ng mga
cut-out standees ayon sa realignment of forces.
KORO:
Hu - Hu - Hum
Humi - wa - layyy
Humiwalay
Humiwalay
Humiwalay
Humiwalay sina Ramos at Enrile
Sina Ramos at Enrile? (Oo, sila!)
Sina Ramos at Enrile!! (Walang iba!)
Kanino? (Kanino paaa?)
E DI KAY MARCOS! (O tapos?)
Hu - Hu - Hum
Humi-ngi
Humingi
Humingi
Humingi
Humingi sila ng tulong
KAY CARDINAL SIN!
Tutunog ang telepono. Pupuntahan ni AYI. Sasagutin.
KORO:
Sumugod ang mga tao
Sa harap ng Kampo
Para proteksiyunan
Ang mga sundalo …
(Ang tao? Sa kampo? Para sa sundalo?
Sa Kampo? Sundalo? Para sa mga tao?
Ang tao? Sundalo? Para nasa Kampo?)
KORO:
Nakagugulat!
Nakaloloko!
Dapat ay sundalo
Sundalo’ng lulusob
Para may proteksiyon
Ang lahat ng tao …
(Sundalo? Sa Kampo? Niligtas ng tao?
Niligtas sa Kampo? Ng tao? Sundalo?
Ang tao? Naglitas sa Kampo? Ng mga sundalo?)
Nakaloloko!
Nakaloloko!
Nakalolokooo!
Iaabot ni AYI kay GUIDO ang telepono. Mag-uusap sa telepono
sina GUIDO at MOMMY niya.
Lalapit ang MOMMY, may hawak na oversized phone. Dueto ng MOMMY
at ni GUIDO.
Maaari ding regular na usapan lamang.
MOMMY: GUIDO:
Guido, son, I’m
fine, Mommy,
How are you? Fine,
Thank you!
(Please, son (Please,
mom
Huwag mong babanggitin, Banggitin
mo, Mom
Please! Please
Ayokong ma-guilty! Please, let me know
Ayokong malito! Na naaalala mo
Dahil sa bertdey mo!) Ang bertdey ko!)
Matatabunan ang boses nina GUIDO at MOMMY niya ng NEWS REPORT.
NEWS REPORT VO:
General Ramos and Senator Enrile had cut off their ties with President
Marcos.
They turned to Cardinal Sin for support. People rushed to Camp Crame
to protect the
soldiers from Marcos’ loyal forces.
Guido, son,
Remember, we love you!
Magha-hung up ang MOMMY niya. Tunog na lang ng telepono ang
maririnig natin.
Yuyupyop sa mga palad niya si GUIDO para umiyak nang tahimik.
Unti-unting didilim
ang tanghalan hanggang sa makatulog si GUIDO. Mananatiling
bukas ang radyo sa
dilim.
Pagkaraan, darating ang MOMMY at DADDY niya. May dala silang
styrofoam na kulay
yellow ng Laban sign at bilog na barbed wire na may yellow
ribbon. Pareho din silang
naka-Cory yellow t-shirt at maong na pantaloon. Hindi sila
magsusuot ng maskara
habang nagkukuwento kahit gumaganap ng ibang tauhan.
Sisilipin nila si Guido, saka patiyad na lalapit sa kama para
ayusin ang pagkakahiga ng
anak. Mapabubuntung-hininga sila. Ilalagay din nila nang maayos
sa kama ang Laban
sign at barbed wire na may ribbon. Magigising si GUIDO. Biglang
babangon.
GUIDO:
Mommy, Daddy …
DADDY:
We love you, son!
Sa tagpong ito, magkukuwento ang Mommy at Daddy ni Guido, nang
hindi gumagamit
ng maskara kahit gumaganap ng ibang tauhan. Ang mga standees at
cut-out ay lilipat
sa harapan, sa tagiliran nang tanghalan. Unti-unti namang
mauurong sa likod ang tagpo sa kuwarto ni GUIDO. Hindi dapat itago sa manonood
ang pagpapalit ng tagpo at
paglalagay ng mga props at standees sa eksena.
Excited na magkukuwento ang MOMMY at DADDY ni GUIDO, ia-arte
ang nasaksikhan
nila sa EDSA. Inaantok na makikinig si GUIDO. Pero kasalit ng
huma-harurot at
dramatikong kuwento ng dalawang magulang ang malungkot,
makabagbagdamdaming
pagkanta ni GUIDO ng iniisip niya habang nakikinig sa kuwento.
GUIDO:
How are you, Mom? Are you okay, Dad?
DADDY:
We’re fine, hijo.
MOMMY:
Pagod lang. At amoy-pawis!
DADDY:
And very, very hungry!
MOMMY:
Naku, Guido! Nakita mo sana ‘yung nangyari sa EDSA. Saksakan ng dami
ang tao.
DADDY:
Nasa harap namin ‘yung mga tangke. Napaliligiran ng mga Marines.
MOMMY:
Ang itim pala nila. At ang lalaki ng mga hawak na armas.
DADDY:
Pero ang babata pa nila. Halos ilang taon lang ang tanda nila sa iyo,
Guido!
GUIDO:
(Aawit.) Naalala ba ninyo …
MOMMY:
Hindi sila tumitingin nang deretso sa amin. Hindi sila ngumingiti.
DADDY:
Nasa likuran lang sila ng tangke.
MOMMY:
God, ang laki-laki ng tangke! How very big the tank! Parang higanteng
pagong! (Iihitin sa
katatawa.)
GUIDO:
(Aawit.) Na bukas na ang bertdey ko …
DADDY:
Tapos, isang babaeng may hawak na krus ang nagpunta sa harapan para
kausapin ‘yung
mga sundalo …
Iaarte ng MOMMY ang tagpo.
MOMMY:
(Hawak ang krus.) Peace, brod, sabi niya.
DADDY:
Pero ayaw talagang tumingin ng mga sundalo.
Iaarte ng DADDY ang sundalo. Naka-attention, may hawak na
di-nakikitang armas na
nakaturo sa ibaba.
DADDY:
(Matigas ang anyo.) “Sumusunod lang ho kami sa utos,” sabi
nito.
MOMMY:
Magkababayan tayo, brod, sabi ng babae. May mga anak ako. Iniwan ko
lang sa bahay.
Ang asawa ko nasa abroad, kasi walang makitang trabaho dito sa atin.
Huwag ninyo
kaming saktan! Gusto lang naming ipaglaban ang ating kalayaan! Sumama
na kayo sa
amin!
Magsisimulang kumanta ang babae ng “Bayan Ko.”
Magtitikas-pahinga ang sundalo
pero matigas pa rin ang anyo. Pagkaraan, sasabayan ang babae ng
naka-taped na kanta ng maraming tao ng “Bayan Ko.” Maiiyak ang babae.
MOMMY:
Naiyak ‘yung babae. Naiyak na rin ‘yong mga katabi ko.
DADDY:
Nakita kong nagpahid din ng luha ‘yung mga sundalong kaharap niya. (Magpapahid ng
luha, habang nakatikas-pahinga.)
MOMMY:
Pero nagsimulang umusad ang tangke.
DADDY:
Nagsigawan ang mga tao!
MOMMY:
Nagkapit-bisig kaming lahat!
DADDY:
‘Yung babaeng may hawak na krus, sumugod sa harap ng tangke.
MOMMY:
Peace, brod. God loves you! Brod, we love you!
DADDY:
Sumunod kaming lahat sa babaeng may hawak na krus.
MOMMY:
Pinalibutan namin ang umuusad na tangke.
DADDY:
Tapos, narinig namin ang utos ng opisyal.
MOMMY:
Pinaurong ang tangke at pinababalik!
DADDY:
(Lulundag.) Naglundagan kami sa tuwa!
MOMMY:
(Yayakapin ang DADDY.) Nagyakapan kami at nag-iyakan at
nagsisigaw sa tuwa …
DADDY:
Hanggang sa lumayo nang malayong-malayo ang tangke!
GUIDO:
(Aawit.) Mommy … Daddy …
Bukas na po ang bertdey kooo …
Halos magkasabay na matitimbuwang sa kama, sa bandang head
board, ang MOMMY
at DADDY dahil sa matinding pagod.
Parehong naka-Laban sign ang mga kamay. Malakas na maghihilik.
Lulundag para
bumaba ng kama si GUIDO, nakapulupot sa katawan ang mahabang
listahan ng
birthday wishes.
Papasok si AYI, aakbayan si GUIDO. Tintingnan nila ang
naghihilik na MOMMY at DADDY.
GUIDO:
Huwag na lang natin silang istorbohin tungkol sa bertdey ko. Pagod na
pagod na sila.
Bukas, babalik uli sila sa EDSA.
Magdidilim ang tanghalan.
PEBRERO 24, MONDAY
Umaga, sa sala. Nasa harap sila ng TV set na naka-talikod sa
manonood. Tinutulungan
ni AYI si GUIDO na magsuot ng damit. Bagong-paligo si GUIDO.
Pupulbusan ni AYI ang alaga ng baby powder mula sa espongha. Puting-puti ang
mukha ni GUIDO. Naiinis na pupunasan nang mariin ni GUIDO ng tuwalya ang mukha
para mawala ang pulbos.
Maririnig ang naka-taped na balita.
NEWS REPORT VO:
Ang ating latest bulletin. Umalis na raw ang mga Marcos sa Malacañang.
Repeat: Umalis
na si Pangulong Marcos at ang kaniyang pamilya sa Malacañang. We will
try to verify
this. Repeat: This is an unverified report.
Maririnig na kasunod ng balita ang pagtugtog ng “Mambo
Magsaysay.” Sabay halos na
papalundag sa tuwa sina AYI at GUIDO.
AYI:
Wala na si Marcos! Wala na si Imelda!
GUIDO:
Uuwi na sina Mommy at Daddy! Ibig sabihin, puwede pa rin akong
magkaroon ng
birthday party bukas!
AYI:
Sus, guinoo! Natupad ang prayer ko kay Santa Zita at Mary Rose. Sabi
ko kasi kagabi,
Dear Santa Zita at Mary Rose, Tulungan n’yo naman ang Little Boy ko.
Kasi gusto niyang
magkaroon ng bertdey parti. Sige na, Lord, Santa Zita at Mary Rose.
Balato na lang nimo
sa bata ang bertdey parti niya. Tigbakin n’yo na si Marcos para
matuloy ang parti. At …
Mali pala si Ate Guy! “Hindi totoong walang himalaaa!”
GUIDO:
Tuloy ang bertdey parti ko!
Kakanta at magsasayaw ang dalawa.
GUIDO/AYI:
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
GUIDO:
Tatawagan ko lang ang mga classmate at friend ko. Sasabihin ko, dito
na lang kami
magpa-parti!
GUIDO/AYI:
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
GUIDO:
Bibili na lang tayo ng cake. Nine candles, Ayi! Saka –
GUIDO/AYI:
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
AYI:
Ako na ang gagawa ng spaghetti. Specialty ko ‘yon!
GUIDO:
Hindi na baling walang regalo sa akin ‘yung mga friends ko. Ang
importante meron
tayong –
GUIDO/AYI:
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Maaaring i-belt ni AYI ang kaniyang huling linya, parang last
line ng mga Negro
spirituals.
Pero bigla silang mapapatda sa bagong NEWS REPORT.
NEWS REPORT VO:
Narito ang latest news bulletin:
Nasa Malacañang pa rin sina Marcos. Repeat: Nasa Malacañang pa rin ang
Pangulong
Marcos at ang kaniyang pamilya, contrary to earlier reports. This is a
confirmed report.
Repeat: It has been confirmed na nasa Malacañang pa rin si Pangulong
Marcos at ang
kaniyang pamilya. Please stay tuned to our People Power coverage.
Manghihina sina GUIDO at AYI sa narinig.
GUIDO/AYI:
Hayyy …
GUIDO:
Hindi pa rin makauuwi sina Mommy at Daddy.
AYI:
Ate Guy, Santa Zita, and Mary Rose, ano ba talaga, mga tita!?
GUIDO:
Hindi na talaga matutuloy ang birthday party ko. Hindi na natin
kailangan ng –
Aawitin nila ang very sad version.
GUIDO/AYI:
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Magdidilim ang tahanan. Salitang maririnig ang “Cory! Cory!” at
“Marcos pa rin!”
kasaliw ng “Impossible Dream.”
PEBRERO 25, MIYERKULES, BERTDEY NI GUIDO
Umaga. Wala nang anomang gamit sa bahay nina GUIDO. Masayang
papasok ang
MOMMY at DADDY niya. Hahalikan siya.
Habang nagaganap ang tagpong ito, maaaring kabitan ng mga
kulay-Cory yellow na
lobo at ribbons ang mga cut-outs at standees sa paligid. Para
unti-unting maging festive
ang milieu.
MOMMY/DADDY:
Happy birthday, Guido! Son!
MOMMY:
Don’t worry, son. Ipinahahanda ko ang mga pagkain para sa party mo.
Huhubaran ng pang-itaas ng MOMMY niya si GUIDO at papalitan ng
dilaw na t-shirt.
GUIDO:
Hindi po ba kayo pupunta ngyon sa EDSA?
DADDY:
Pupunta – at kasama ka!
GUIDO:
Yehey!
MOMMY:
Sa EDSA na natin ise-celebrate ang birthday mo. Doon na tayo
magpaparty!
Hindi makapaniwala si GUIDO.
DADDY:
Magkakaroon ka ng pinakamalaking birthday party sa buong mundo!
Maririnig ang “Magkaisa” bilang transition music.
Sa EDSA. Napapalibutan ng mga dumalo sa People Power si GUIDO.
Ipapasok ni AYI ang
isang malaking cake, na may siyam na yellow candles.
AYI:
Sus, ginoo, Guidu, nakita mo na ba kung gaano karami ang tao sa parti
nimu? Look ako
sa left, mga babae, lalake, bata, matatanda. Mga kayumangging mukha.
Look ako sa
right, mga babae, lalake, bata, matanda. Mga kayunmangging mukha!
Nag-left-right, leftright
na ako nang paulit-ulit, pero hindi nababawasan ang tao. Parang parami
pa nga ng
parami. Ang saya-saya ng parti nimu, Guidu. (Yayakapin si GUIDO at hahalikan.)
GUIDO:
Ayi, one month ka na bang nagra-rally sa EDSA?
AYI:
Ano ka? First time ko lang ito. First day. First chance na maging
bayani, at maging tunay
na tapagapagmana ng kadakilaan nina Gabriela Silang at Tandang Sora! –
E bakit mu
naman naitanong ‘yon?
GUIDO:
Iba kasi ang amoy mo, Ayi! I think you should take a shower.
AYI:
Ano’ng shower-shower? I don’t want to miss the action, Guidu! (Sisigaw.) Cory!
Cory!
Cory! – Nandito kaya si Kris? Magpapa-autograph ako!
Darating si BUBOY.
BUBOY:
Hapi bertdey, Guido. (Iaabot
kay GUIDO ang isang yellow baseball cap.) Tenk yu sa
invitation card, ha!
GUIDO:
Tenk yu din.
BUBOY:
Ayan, redi na ‘yung cake!
MOMMY/DADDY:
Make a wish, Guido. Make a wish!
Pipikit nang nakatingala si GUIDO.
AYI/BUBOY:
Five, four, three, two, blow!
Hihipan ni GUIDO ang cake. Palakpakan. Magkakantahan ng “Happy
Birthday, Guido”
ang lahat ng naroon. Pakapalin ang recorded crowd song.
BUBOY:
Ano’ng winish mo, Guido? Ano’ng wish mo?
GUIDO:
Secret …
Maririnig ang tunog ng isang helicopter mula sa itaas.
Titingala lahat. Saka magtataas
ng kamao at sisigaw ng “Cory! Cory! Cory!”
Pero biglang susutsot ang DADDY niya. Makikinig ng balita sa
radyong nasa balikat.
DADDY:
Sssh! Me balita! Pakinggan n’yo.
Sisiksik sa DADDY sina MOMMY, AYI, BUBOY, pati si GUIDO, para
makipakinig ng balita.
Tahimik na tahimik ang lahat. Biglang maglulundagan at sisigaw.
DADDY:
Umalis na si Marcos! Wala na sila sa Malacañang! Malaya na tayooo!
Magsisigawan uli ng “Cory! Cory! Cory!” Maririnig din ang mga
putukan. Panay-panay
ang busina ng mga sasakyan.
Yayakapin at hahalikan ng mga magulang niya si GUIDO.
MOMMY:
Happy birthday, son! Malaya na tayooo!
LAHAT:
Wala na ang diktador!
Maririnig ang “Tie A Yellow Ribbon.” Ilalabas ang isang kawayan
na may carton cut-out
ni MARCOS sakay ng helicopter sa itaas.
LAHAT:
Malaya na ang Filipinas! Mabuhay ang Filipino!
Mabilis na malilinis ang set. Bahagyang didilim bagaman patuloy
na maririnig ang
ingay ng selebrasyon at mga busina ng sasakyan.
Maaaring gamitin ang pinagdugtong-dugtong na bahagi ng mga
kantabg sumikat
noong EDSA People Power bilang transition music.
Sa muling pagliliwanag, papasok ang kama ni GUIDO. Nakaupo siya
sa gitna nito.
Ginagawang ribbon ang kaniyang mahabang listahan ng birthday
wishes.
Tapos, ihahagis iyon sa basurahan malapit sa kama. Tatayo,
nakapamaywang sa kama
si GUIDO.
GUIDO:
Iyon ang pinakamasayang birthday ko! Ang pinakamalaking birthday party
sa buong
mundo kahit walang …
(Kakanta.)
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Natupad naman ang birthday wish ko! Walang nakaaalam na nang hipan ko ‘yung
mga
kandila sa birthday cake ko, ang wish na ibinulong ko ay … (Sisigaw.) Umalis n
asana si
Marcosss!
Muling lalabas ang kawayang sa itaas ay may carton cut-out ni
Marcos sakay ng
Helicopter.
Lalabas ang buong cast. Sabay-sabay na kakanta, iba-ibang
estilo, theme song.
LAHAT:
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Cory, Sin, Ramos, Enrile, confetti
Bayan, Diokno, Tañada, Makati
Marines, madre, pare’t estudyante
Teachers, vendors, doctors, Ugarte
Nurses, singers, artista, baong bayani, kasali
Lahat tayo, lahat tayo, lahat ay kasali
Bata, matanda, lalake, babae
Lahat-lahat, bawat isa, lahay ay BAYANIII!
WAKAS
No comments:
Post a Comment