Thursday, February 28, 2013

Pumanaw na ang Lolo ko


Ang Paggamit ng mga Gayuma





Konsepto ng Kalayaan at Draft





Noon at Ngayon






Bototoy


Interpretasyon ng Larawan


Bahagi ng Kwentong "Nemo, ang Batang Papel"


Ang Alamat ng Sta. Maria





Kababalaghang Nangyari



     Pumunta ang pinsan ko sa bahay ng lolo at lola ko,may kinuha siya duon. Paglabas niya may nakita siya lalaking nakabarong, sanabi niya ito sa mga pamilya namin. Pagdating ng hating gabi ay may kumatok sa pinto ng Aunt ko, na parang malakas at nagmamadali na tao. Pag-open niya sa pinto walang tao, tinawag niya ang pinsan ko at tinanong kung sino ang nakita niya.

Komiks





Brochure no.1




Brochure no.2






Aking Paaralan


Aking Paaralan
Ma. Feleesa De las PeƱas

 
Ang Paaralan ko dati ay sobrang kay ganda
Mula sa mga studyante at sa mga gurong kilalang kilala
Walang Taong nag-iisa
Laging mayroong kasama

Mga estudyante roon ay mabait at may galang
Laging bumabati sa mga gurong dumadaan
Kahit mayroon ilang studyante na hindi mmarunung gumalang
Tinuturuan silang baguhin ang ugaling bastosan

Mga tinuturo ay magagandang asal
At mayroon isang beses sa isang buwan na pagdadasal
Mayroon itong maraming relihiyon
Simula sa muslim, roman katoliko at mga tsino

Kahit naiiba saamin ang mga relihiyon
Magkakaibigan parin kami kahit ganun
Dahil hindi kami pumili sa kalabasan
Tinitignan din naming ang kalooban

Bookmarks



Mga Akda sa Ikaapat na Markahan

  1. Hari ng Tondo ni Gloc-9
  2. Sipi mula sa Ampalaya "(Ang Pilipinas 50 taon makatapos ng bagong Milenyo)" ni Reuel Molina Aguila
  3. Nagsimula sa Panahon ng Yelo
  4. Bagong Bayani ni Joseph Salazar
  5. Bayan ko: Laban o Bawi? ni Jose F. Lacaba
  6. Pulangi: Ang ilog na Humubogsa Maraming Henerasyon
  7. Obra ni Kevin Bryan Madrin
  8. Berthday ni Guido

Mga Akda sa Ikatlong Markahan


  1. Pimple, Braces and The Gwapigs by Pol Midena Jr.
  2. Sipi mula sa librong Tutubi, Tutubi,'Wag kang magpahuli sa mamang salbahe
  3. Ang kapangyarihan ng wika, Ang wika ng kapangyarihan ni Conrado de Quiros
  4. Pandesal
  5. Pork Empanada ni Tony Torez
  6. Ibong Adarna
  7. Magkabilaan ni Joey Ayala
  8. Nang maging Mendiola ko ang internet dahil ka Mama ni Abegail Joy Yuson Lee
 

Wednesday, February 27, 2013

Mga Akda para sa Ikalawang Markahan

IKALAWANG MARKAHAN
  1. NEMO, ANG BATANG PAPEL ni Rene O. Villanueva
  2. MABANGIS NA LUNGSOD ni Efren R. Abueg
  3. ANG ALAMAT NI DARAGANG MAGAYON
  4. KAY MARIANG MAKILING ni Edgar Calabia Samar
  5. ANG MGA DUWENDE ni Isang Kuwentong-Bayan mula sa Bikol
  6. TRESE Isyu 5 ni Budjette Tan
  7. ALAMAT NG WALING-WALING
  8. MGA ALAMAT NI JOSE RIZAL: Kabanata 3, El Filibusterismo ni Jose Rizal
  9. NAPAGAWI AKO SA MABABANG PAARALAN
  10. PAGLISAN SA TSINA ni Maningning Miclat

Mga Akda para sa Unang Markahan

UNANG MARKAHAN
  1. BATANG-BATA KA PA ng APO Hiking Society
  2. ANG SUNDALONG PATPAT ni  Rio Alma
  3. ISANG DOSENANG KLASE NG HIGHSCHOOL STUDENT: Sipi mula sa Aba, Nakakabasa na Pala Ako! ni Bob Ong
  4. SANDAANG DAMIT ni Fanny Garcia
  5. KUNG BAKIT UMUULAN: Isang Kuwentong Bayan
  6. ALAMAT NI TUNGKUNG LANGIT ni Roberto AƱonuevo
  7. SALAMIN ni Assunta Cuyegkeng
  8. ANG PINTOR ni Jerry Gracio
  9. IMPENG NEGRO ni Rogelio R. Sikat
  10. ANG AMBAHAN NI AMBO ni Ed Maranan

Tuesday, February 26, 2013

Taglish: Hanggang Saan?



Taglish: Hanggang Saan?

Bienvenido Lumbera
 
May nagtanong kung ang paggamit ng Taglish sa kolum na ito ay recognition on my part na
tinaggap kong maaaring gawing basis ng wikang “Filipino” and Taglish. Ngayon pa man ay
nililinaw ko nang hindi lengguwahe and Taglish. Ito ay isa lamang convenient vehicle para maabot sa kasalukuyan ang isang articulate sector ng ating lipunan na unti-unting nagsisikap
gumamit ng Filipino.


Importanteng makita nang sinumang gumagamit ng Taglish na limited and gamit nito. Dahil

sa binubuo ito ng mga salitang galing sa dalawang wikang not of the same family, makitid
ang range of expressiveness nito. Ang sensibiliteng ni-reflect nito ay pag-aari ng isang maliit
na segment ng ating lupinan, at ang karanasang karaniwang nilalaman nito ay may pagkasuperficial.

Isang makatang malimit banggitin kapag pinag-uusapan ang paggamit sa Taglish ay si
Rolando S. Tinio. Sa kaniyang koleksyon ng tulang tinawag na

Sitsit sa Kuliglig, may ilang mga tula na pinaghalong English na sulatin. Effective lamang ang Taglish, gaya ng pinatutunayan na rin ng mga tula ni Tinio, kapag Americanized intellectual ang speaker, at ang tone ng tula ay medyo tongue-in-check or sarcastic. At kahit na sa ranks ng Americanized Filipino intellectual, and profounder aspects of cultural alienation ay hindi kayang lamanin nang


buong-buo ng Taglish.
Better described marahil and Taglish as a “manner of expression.” Ibig sabihin, sa mga
informal occasions, mas natural sa isang English-speaking Filipino na sa Taglish magsalita.
Sa light conversation, halimbawa. Pero para sa mga okasyong nangangailangan ng sustained
thought, Taglish simply won’t do. Walang predictive patterns ang paghahalo ng vocabulary
at syntax ng dalawang lengguwaheng magkaiba ng pamilya. Dahil dito, maraming stylistic
and logical gaps na nag-iinterfere sa pag-uunawaan ng manunulat at mambabasa.

Kailangan sa Taglish ang spontaneaous interaction ng nagsasalita at ng nakikinig. Sa
pamamagitan ng physical gestures, facial expressions, o tonal inflection, nagagawa ang
filling-in na siyang remedyo sa mga stylistic at logical gaps. Maaari namang sa pagtatanong
linawin ng nakikinig ang anumang ambiguity sa sinasabi ng kausap.



Samakatuwid, ang pagsusulat sa Taglish, cannot be a permanent arrangement. Kung
talagang nais ng manunulat na magcommunicate sa nakararaming mambabasa, haharapin
niya ang pagpapahusay sa kaniyang command ng Filipino. Para sa manunulat, isang
transitional “language” lamang ang Taglish. Kung tunay na nirerecognize niya na napakaliit
at lalo pang lumiit ang audience for English writing, hindi siya makapananatiling Taglish
lamang ang kaniyang ginagamit. Maliit pa rin ang audience na nakauunawa sa Taglish pagkat nagdedemand ito ng adequate control of English. Magbalik sa English. O tuluyang lumapit sa
Filipino. Ito ang alternatives para sa Taglish users ngayon na hangad pa ring magpatuloy sapagsusulat.

Tutubi, Tutubi,



Sipi mula sa librong

Tutubi, Tutubi, ‘Wag Kang
Magpapahuli sa Mamang Salbahe
 

(pahina 140-143)
 


Sa halip ang sinabi niya, “No, Jojo, you don’t understand. Bata ka pa kasi. Balang

araw, kapag naging magulang ka na, maiintindihan mo rin ang sinasabi ko.” Ayaw ko ng
logic niya, pirming siya ang matanda. Pirming siya ang tama. Pirming ako ang bata, kaya pirming ako ang mali, at pirming ako lang ang dapat matuto. Pero nakapagtatakang kami na kulang sa isip ang pirming hinahanapang maging tama. Bakit kaming kulang sa isip ang kailangang umunawa sa husto raw ang pag-iisip?


Sa pag-iisa, sa aming uri ng insecurity, bakit walang makaalalang magtanong kung ano ang iniisip namin? Kung sa paghahanap ng solusyon sa problema ay mali ang makuhang paraan, nagagalit sila. Paano naman ang gagawin namin sa mundo?

Tumigil na lang basta sa paghinga? A, kay hirap mabuhay sa mundo na panay bawal, wala namang magturo ng tama. Kung sa pagtanda ko’y magiging kamukha ko rin sila, hindi bale na lang. Ayaw kong tumanda. Bawal maging pilyo. Mas lalong bawal maging seryoso. (Mag-i-idiot na lang ako.)


Kamukha ngayon, daig ko pa ang napagkaisahan. Nagtatanong lang naman, pero nakakagalitan. Umiiwas sa kaguluhang hindi naman ako ang may kagagawan. Para na rin

akong daga na tulirong nangangapa sa lungga. Ano ang gagawin ko sa aking sarili? Para rin akong may sakit na nakakahawa na hindi basta puwedeng lumapit sa kapwa. Saan ba ako pwedeng magpasiya? ‘Yong kaluluwa ko, kargo ng pari. ‘Yong marka ko sa eskuwelahan, nakasalalay sa dulo ng pulang ballpen ng titser ko. ‘Yong gusto kong kurso, nakatali sa dulo ng bulsa ng tatay ko. ‘Yong kalayaan ko, kahit bahagya ko pa lang nagagamit ay pinutol na nila. Sila na rin ang nagbibigay ng bagong kahulugan noon, kahit hindi kami kinonsulta. Ano nga ba ang pakialam nila sa kapalaran ng mga hamak na estudyante. Kapirasong pangalang wala namang katuturan ang naiwan sa amin. Ni hindi magamit dahil hindi naman galing sa malaking tatak. Pamilyang walang sinabi, batang walang silbi. Ay naku. Gusto ko lang magtanong, gusto ko lang matuto, kasalanan na pala iyon at ang ayaw maniwala sa kanila’y nakakaligtaan. Hindi galit ng ama sa anak o ng Diyos sa tao; galit ng maligno, kahit saan ka magtago, hindi ka makakatakas. Bugbog –sarado pag nahuli.Torture kapag ayaw umamin, firing squad kapag nakunan ng ebidensiya. Salvage kapag nakagalitgan, salvage rin kapag nakatuwaan. Kung magrereklamo pati kaluluwa mo, pati ito buburahan ng anino. Saan na ako pupunta, ano na’ng gagawin ko sa sarili ko?


Magbabad na lang kaya ako sa disco? Sayaw na lang kaya ang problemahin ko? Pero Iglesia ni Kristo naman ang mga paa ko, hindi marunong kahit na pandanggo. Tumambay na lang kaya ako sa mga kanto tulad ng ginagawa ng mga propesyonal na taong kanto? Ano naman ang gagawin ko roon, mag-abang sa pamumulaklak ng poste? Ay naku ulit, pinipilit ko lang maging matino sa sarili kong paraan, wala pang kaubrahan. Hindi naman siguro ako ginawa ng sino mang gumawa para sa lang maging basta yagit. Wala rin akong balak maging kontrabida sa buhay. Marami lang talagang tanong ang isip ko na naghahanap ng kahit na kapirasong sagot. At sa lipunan, bago man o luma, maraming pikon.
 
Silang punot’t dulo ng problema ko ngayon, silang namamahala, kung totoong parang tatay at nanay sila, tulad nina Malakas at Maganda, bakit ibang klase silang magpatupad ng disiplina? Bakit hindi Magkasya sa pangaral? Bakit hindi nila maintindihan na ang ginagawa lang naman naming mga kabataan ay bilang pagsasanay sa paghahanda sa aming kinabukasan? Kung dadaanin kami sa bugbog, di lalaki kaming mga tuliro. Kung kami na ang mga pinuno, paano magpapasiya ang isang hilo? Akala mo’y hindi sila marunong mamatay. Kung sila nang sila, at kung wala na sila, paano naman kami? Kung mamana namin ang ugali nila, di kawawa ang susunod na henerasyon, kami na matanda na ang siya namang mambubugbog sa kanila. Bakit ayaw nilang matuto kaming makialam, makisangkot? Habang buhay bang tagapalakpak na lang kami sa mga talumpati nilang hindi naman sila ang gumawa? Dapat bang maging utak-sakristan lang kami na amen lang ang bokadurang lumalabas sa bibig kapag kinausap? Saka kung itinuturing kaming parang anak, bakit kami sinisiraan?
Tatatawaging misguided elements, adventurists, communists, terrorists. Basta masama, kami. Basta tama, sila? Kung ganoon silang klaseng magulang, hindi na lang baleng maging ulila, ayaw kong sumali sa kanilang pamilya. Hindi baleng mabobo, tulad ng tingin nila sa aming mga aktibista, huwag lang maging baliw na tulad nila.
Bakit ba ganito, kapag makikinig ka sa usapan ng matatanda parang parating
panahon lang nila ang mahalaga. Mahusay na estudyante, baka noong panahon ni
Quezon. Mahusay na sundalo, baka noong panahon ng Hapon. Walang naaalala kung
hindi “noong araw” (Parang sila ang una at huling Pilipino.) Saka idagdag din kung
gaano kaganda ang kanilang panahon na hindi katulad ngayon, panay kahulugan. Parang
kami ang umimbento ng salitang kahirapan at problema. At kami na bunga nito, na dapat unawain ang siyang nakagagalitan kapag napag-uusapan ang kamalasan. Sagana
noong araw, pero bakit tayo utang ng utang sa mga dayuhan? Saka bakit kami ang
tagabayad nito balang araw? Pakikinig ba sa matatanda sa Ilog Pasig ang solusyon sa
mga problema? Baka kaya sila ay isang malaking problema? Parati silang tama, ang mga
Mam at Sir at mga Gardonet , sila lamang ang tanging nakakaalam sa pagpapatakbo
ng mga bagay-bagay sa mundo. Sila lamang ang may monopoly ng talino. Saka nila
pilit palalakihin ang papel nila sa lipunan. Ipagpipilitan ang kanila, bakit hindi sila ang
pakinggan at pamarisan? Sabagay, lahat naman yata ng matanda ay ganoon, ang kilala
lamang ay ang sarili. Kahit saan mapunta ang usapan, ang halimbawa nila ay ‘yong
tungkol sa sarili. Kahit saan mapunta ang usapan, ang halimbawa nila ay ‘yong tungkol
sa sarili. Kung doktor ang kausap, sasabihin nitong iyon ang pinakamahusay na kurso
ngayon. Ganoon din ang sasabihin kung mga titser o inhinyero ang tatanungin. Pero
paano kaya makikinig kung ang kausap ay isang pulitiko o armado? E, kung armadong
pulitiko? Di pangako ng baril, argumento ng bala, halakhak ng kanyon, ano pa? Lahat
yata ng matanda, sarili lamang ang nakikitang mainam. ‘Yon lang kasing karansan nila
ang kabisadong ikuwento. Pag iba na ang usapan, tulad ng halimbawa ng buntonghininga
ng mga katulad ko sa mundo, hindi na sila interesado. Parang kami ang nag-uso
ng salitang rebolusyon. Pag narinig ito, tumataas ang lahat ng buhok nila, pati sa kilikili,
kaya bumabaho tuloy ang usapan. Saka magtatatalak, kami ang makakagalitan. Luma na
‘yon, tanungin mo si Bonifacio. Kung ayaw mong maniwala, e bakit nakikiselebrasyon kasa araw ng mga bayani? Saka ba’t mo siya tinitingnan sa mga pera?
 
Ayaw ko nang makinig sa mga usapang “noong araw” na hindi ko makita
ang kabuluhan sa kasalukuyan. Ayaw kong maging ulyaning paulit-ulit ang sinasabi.
Ayaw kong maging (mas) makulit. Ayaw kong maging inutil. Kay hirap ng maraming
tanong sa buhay. Kay hirap ipanganak na “erehe” at “pilibustero” sa mundo. Kay hirap
mapagsabihang bandido at terorista. Kay hirap maghanap ng kahulugan ng pangalan. Wala akong balak malagay sa pera ang retrato ko. Gusto ko lang may sumagot at makinig sa tanong ko.

Monday, February 25, 2013

Bertdey ni Guido


Bertdey ni Guido 

Isang Yungtong Musikal

Halaw sa librong Bertdey ni Guido.

Nailathala ng Lampara Books.
Mga Tauhan
GUIDO, magsisiyam na taong gulang
MOMMY, mother ni Guido, mid-30s
DADDY, father ni Guido, mid-30s
AYI, yaya ni Guido, mataba, motherly, 40s,
            may tendensing maging over-acting at melodramatic
BUBOY, kapitbahay ni Guido sa subdivision,
                    9 years old, spoiled at KSP

Iba pang Tauhan
MARCOS/FIRST LADY
CARDINAL SIN/CORY
RAMOS/ENRILE
MADRE/WORKER
MGA MARINES/ETC.

TALA:
Ang dula ay isinulat para sa limang aktor lamang. Kung marami ang gaganap, mas mabuti. Ang IBA PANG TAUHAN ay gagampanan din ng limang aktor, pero magususot ng maskarang angkop sa tauhan. Minsan, maaaring dalawang maskara ang suot ng isang aktor. Isa sa harap, isa sa likod. Maaari ring billboard na parang maskara ang nakasuot sa ulo. Pero magmamaskara lang ang mga aktor kapag ibang tauhan ang ginagampanan nila. Si GUIDO lamang ang hindi magpapalit ng papel sa kabuuan ng dula. Makatutulong kung gagamit ng ilang oversized props at carton cut-out bilang
standees para i-recreate ang damit ng tao sa EDSA. Sa gilid ng tanghalan laging may malaking kalendaryo na maghuhudyat ng panahon ng dula. Ang pagpapalit ng petsa ay magsisilbi ring pagpapalit ng tagpo.
 
PEBRERO 1986
Sa private road ng isang upper middle class na subdivision, sinsipa-sipa ni GUIDO ang
isang malaki at makulay na bola habang susunod-sunod, nang-aasar, sa kaniya si BUBOY na may hawak na ice cream sa cone. Kakanta si Buboy sa pagitan ng pagdila sa ice cream. Habang nagaganap ng eksena, daanan nang daanan, isa-isa o pares ang mga ordinaryong tao na abala sa kaniya-kaniyang concern at walang paki sa isa’t isa. May namamasyal. May magde-date. May nagtitinda ng balut. Maiikling character ad lib lang ang kailangan dito. Nakamaskara sila, ordinaryong damit ang suot. May naka-walkman, attachĆ© case, atbp. Nagmamadali, hindi nila pinapansin ang dalawang bata. Magsisimula ang tagpo malapit nang dumilim hanggang sa unti-unting lumalim ang gabi.

BUBOY (Pakanta):
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Me maghahanda sa kaniyang bertdey parti!
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti (3x)
‘Yon lang handa sa kaniyang bertdey parti?!
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti (3x)

GUIDO:
Ano’ng ‘yon lang? Marami pa!

BUBOY:
Sige nga, ano-ano?
 
GUIDO:
Bakit ko sasabihin?

BUBOY:
Kasi wala nang iba kundi ...
(Pakanta uli.)
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti (3x)

GUIDO:
Hindi ko sasabihin kasi … surprise!
BUBOY:
No’ng bertdey parti ko, merong cake!

GUIDO:
Ako rin! Me Batman at Robin pa sa ibabaw!

BUBOY:
No’ng bertdey parti ko, meron pang clown!

GUIDO:
Ako rin! Dalawa pa! Si Happy at si Funny!

BUBOY:
Hmp! No’ng bertdey parti ko, me magic!

GUIDO:
Sa akin, may storyteller pa! “Once upon a time, a long, long time ago …”

BUBOY:
A, basta, laos ang bertdey parti mo sa bertdey parti ko! Ang handa mo lang. (Pakanta.)
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti! (Paulit-ulit hanggang mag-exit.)

GUIDO (Pasigaw):
Kahit na! Basta, hindi ka imbayted sa parti ko!
Di ka makakatikim ng ... (Pasuyang kakanta, habang pinagdidiskitahan ang bola.)

Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti (3x)
Leche flan, lechon, lengua, macaroni!
Me Andok’s morcon, salad, chicken mami!
Sandwich, puto, cuchinta, chicken honey!
Pastillas, marshmallow, fried chicken, pitsi-pitsi!
Siopao, juice, suman, kalamay, tutti-fruitty!
Monay, chicharon, suman, cotton candy!
Mamon, hotcake, bijon, hamburger, sundae, chicken joy,
dinuguan, laswa,
dinengdeng,
mechado,
menudo,
paksiw,
adobo,
p-p-pinapaitan
Worcestershire sauce,
TERIYAKIII!

Ibabato ni GUIDO ang bola niya sa inis. Papasok si AYI, may bitbit na transistor. Maririnig ang kantang “Pidro” ng Apo Hiking Society. Bigay na bigay ang sayaw ni AYI. Malapot ang puntong-Bisaya ni Ayi, kahit matagal na siya sa Maynila at nagsisilbi sa pamilya ni Guido. Pansinin: hindi lahat ng linya ni Ayi ay isinulat ayon sa kaniyang punto. Bahala na ang aktor at gaganap. Gabi na.
 
AYI:
Sus, Guidu, dius miu. Gabing-gabi na, nasa labas ka pa? Mag take a shower ka na!
 
GUIDO:
Ano’ng oras darating sina Mommy at Daddy?
 
AYI:
Malay ku? Baka nag-uubirtaym sila. Para madagdagan ang kita at panggastus sa nimo.
Para sa iskul mu, sa iskul bus mu, sa iskul uniform mu, baun mo sa iskul, field trip ng iskul
mu’ ... Saksakan ng gastus! Kaya kayudkalabaw ang Mommy at Daddy nimu. Huwag mo
na silang hintayin!

GUIDO:
E pa’no na ’yan? Sinong magpaplano ng birthday party ko? Three days na lang, nine
years old na ako.

AYI:
Nine years old lang, pinuprublima mu? Aku nga, furty na, ukey pa rin! (Magpapa-sexy ng
pose, saka biglang matataranta.) Anooo? Nine ka na?! Oo nga pala!
Hihilahin si GUIDO at tarantang kakapkapan sa buong katawan, hahaplusin ang mukha
nito nang pauli-ulit, na parang noon lamang niya nakita ang alaga.

AYI:
Sus, ginuu, ang baby na dating kinakarga-karga ko, pinapaliguan, pinapalitan ng lampin,
nilalagyan ng bigkis para hindi umusli ang butod, pinapahiran ng aceite de mansanilla sa
tiyan para laging mautot – kulang na lang pasusuhin kita sa sarili kong dibdib! Sus, ginuu, Guidu, binata ka na pala! At ako nama’y nagiging tigulang na tonta! Bertdey mo na nga pala, two days from now. Muntik ko nang makalimutan!
 
GUIDO:
Kailangan nang gumawa ng mga invitation cards para sa classmates ko saka mga friends
nila. Baka di sila magpunta kung wala silang invitation. Baka makalimutan nila ang birthday ko!

AYI:
Sus, Guidu, ang laki ng prublima mu! Ako ang tutulung gumawa ng card at magplanu ng
parti nimu!

GUIDO:
Marunong ka ba?
 
AYI:
Aba, syimpri! Kaya nga yun ang trabahu ku. Katulung. Maid. Yaya. More sophisticatedly
known as Maitre d in France. Domestic Worker sa Hongkong. Filipinas sa London! In
other words, party planner, laundry woman, dishwasher, gardener, at kung pilyo si Kuya,
Sex Object! Ahayyy!
Yes, I am a Maid. And proud to be one. Ang Bagong Bayani! Unsung Heroes! Unpaid
Diplomats. All-around talent. Round-the-Clock-Dependable. At your service, twenty-four
hours a day, seven days a week, and thirty-days a month, except January, March, May,
July, September, October and December. Plus of course, February, which sometimes has
twenty-eight or twenty-nine!
Don’t worry, Guidu, kayang-kaya kong planuhin ang parti nimo. Alam ko ang ihahanda …
 
(Sabay silang kakanta ni GUIDO habang pa-exit).
 

Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti

Paglabas nina AYI at GUIDO, maririnig ang recorded na panawagan ni CARDINAL SIN na magpunta ang mga tao sa EDSA. Habang nagpapalit ng eksena, humahangos na daraan sa tanghalan ang iba-ibang uri ng tao papunta sa EDSA. Nakamaskara sila, pero may suot o props na magpapakilalang Corysta sila o anti-Marcos. Naka t-shirt na dilaw o mayLaban sign. Lahat ay nagmamadali. Muli, makatutulong ang maiikling character adlibs.

Kasabay nito ang papalakas na halo-halong tunog, ingay, tugtog, islogan, at sigawan sa

EDSA habang bahagyang madidilim ang tanghalan.

PEBRERO 23, LINGGO

Naka-pajama, nasa kama si GUIDO. Nakadapa, nagsusulat sa mahabang listahan ng

mga gusto niyang matanggap na regalo. Nasa mesa si AYI, kaharap pa rin ang transistor na patuloy na nagbabalita ng mga pangyayari sa EDSA. Gumagawa siya ng isang bundok na sandwiches. Bababa si GUIDO mulang kama at bantulot na lalapit kay AYI.

AYI:
Gud morning, little boy. Natapos mu na ba ‘yung listahan ng bertdey wish mu?

GUIDO:
(Iaabot kay Ayi ang isang yardang listaha.) Hindi pa nga e. Nasaan sina Mommy?

Dadampot si GUIDO ng sandwich. Kakain.

AYI:
(Dadamputin ang listahan.) Sus, Guidu, dius mio! Mas mahaba pa sa rice terraces ang
listahan ng bertdey wish mu! Sana sinabi mu na lang, Gustu mung maging si Marcos,
para lahat ng gustu mu, makukuha nimo!
 
May daraang carton cut-out ng isang tangke sa harapan nila.
Sa likuran nila o sa magkabilang gilid ng stage, pantomime ng nangyayari sa EDSA
at MalacaƱang. Mga nakamaskara ang mga tauhan. Doble ang mascara ng bawat
aktor. Isa sa harap at isa sa likod ng ulo. Halimbawa, sa kanan, si MARCOS/IMELDA.
Sa kaliwa, si RAMOS/ENRILE. Ipapasok ding isa-isa ang carton cut-out ng standees na
kinabibilangan ng mga tauhang nasa EDSA nang araw na iyon. Lalakas ang naka-taped na ingay at hiyawan ng magka-kontrang kampo. “Cory! Cory!” “Marcos pa rin! Marcos pa rin!”
 
Maririnig ang malakas na boses ni CARDINAL SIN. Nananawagan na magpunta ang mga tao sa EDSA. Paulit-ulit.

Nenerbiyusin si AYI. Hihilahin sa tabi niya si GUIDO para magtago sa ilalim ng mesa.

AYI:
Nagriribulusyun na, Guidu! Kanina pang madaling-araw nagpunta sa IDSA ang Mommy at
Daddy nimu! Sasamahan daw nila ang mga tao sa pagtulong kina Ramos at Enrile laban
kay Marcos. Ayan pakinggan mu, ang dami-dami na raw tao sa IDSA.

Hihilahin si GUIDO para magtago sa ilalim ng kama. Hindi sila kasya, babalik sila sa
ilalim ng mesa.

AYI:
Dius mio, Guido! Dali! Dali! (Maaabot ni AYI ang payong. Bubuksan ang payong sa ilalim
ng mesa para gawing cover sa harapan nila.) Isuot mo itong gas mask. Totohanan na ito!
Sus, Guido, dius mio!

Isusuot ni GUIDO ang gas mask, na dali-dali namang huhubarin sa kaniya ni AYI.

AYI:
Ay, nu, nu, nu, nu! Mali, mali! Hindi ka pa puwedeng magsuot nitong gas mask, Guidu.

GUIDO:
Bakit?
 
AYI:
You have to tiyk a shower first!

GUIDO:
Kaka-shower ko lang kabagi.
 
AYI:
But today is another day! February 23 na today! Remember this day. This is a very
historic day.

GUIDO:
February 23 is two days from my birthday! A very special and historic day! Babalik agad
si Mommy? Gagawa pa kami ng mga invitation!

AYI:
(Magpapalahaw ng iyak.) Oh, this can’t be true! You just gave me a living,
incontrovertible, unassailable proof that I failed. I failed! God, how I failed in bringing
you up as a sensible Little Boy. Tama talaga si Ate Guy, “Walang himalaaa!” Kahit araw-202 203
araw kang nag-a-Our Father at Holy Mary, Mother of God. Hindi ka pa rin natututo,
Guidu. Look at you! Look at you, Guidu. Nagkakagulo na ang mga tao.
 
Naggagapangan na ang mga tangke. Nakakasa na ang mga armalite. Ang dami-dami
nang nagbuwis ng dugo … sa Red Cross ni Rosa Rosal – pero sarili mo pa rin ang iniisip
mo! Bertdey mo pa rin ang importante sa iyo. Mga invitation cards pa rin ang mahalaga
sa iyo. Sus, Guidu, dius mio! Ano’ng klase kang Filipino? Sabi pa naman ni Ninoy, “the
Filipino is worth dying for!”
 
Nagsakripisyo ba ang ating si Ninoy – (Ala-Cory). My Ninoy! Our Ninoy! –so you can
celebrate your ninth birthday?

Maiinis si GUIDO. Magta-tantrums.

GUIDO (Sisigaw):
I just want to know: Is Mommy coming back soon?

Mahihimasmasan si Ayi.

AYI:
Hindi! Sabi ng Daddy nimu, daraanan daw niya itong mga tinapay bago mananghali. Sige,
mag-almusal ka na!
 
Matamlay na kakain ng sandwich si GUIDO.
 
GUIDO:
Dalawang araw na lang, bertdey ko na. Baka hindi matuloy ang party ko!
Tutulo ang luha ni AYI sa matinding awa sa alaga. Sabay silang kakanta, habang lilipat,
darapa, sa kama si GUIDO, dala ang transistor. Lalakasan ang radyo, ililipat ng istasyon pero puro coverage ng EDSA ang maririnig. Makikinig siya ng balita habang kain ng kain ng sandwich. Tatabihan ni AYI sa kama ang alaga. Alalang-alala. Magduduweto sina Ayi at Guido.

 
GUIDO/AYI (Kakata):
Dalawang araw na lang,
Bertdey ko na!/ Bertdey na niya!
Isa, dalawa, two days na lang
Bertdey ko naaa!/ Bertdey na niyaaa!

Di na maiinip
Hindi mapipigil
Hindi mapo-postpone
Kahit pa bumagyo
Magseselebrasyon dahil
Bertdey ko naaa!/ Bertdey na niyaaa!

GUIDO:

(Habang nagsasayaw si AYI)
Apat na ikot ng relo!
Apatnapung oras at walo!
Bago magka-gulo-gulo!
 
Bertdey na! Bertdey ni Guidooo!

AYI:
(Habang nagsasayaw si GUIDO)
Sana’y magbago ang mundo
Mas masaya, walang gulo
May value na kahit piso
Walang gutom, me asenso
Sa bertdey, bertdey ni Guiduuu!

DUETO:
Pantay-pantay lahat tayo
Sa bertdey, bertdey ni Guidooo!
 
Humihingal na mapapaupo ang dalawa.

 
Samantala, habang nagaganap ang song number, unti-unting kakapal ang mga tao
(cut-outs) sa likuran at tagiliran ng tanghalan. Sa pagitan ng bawat dialogue sa ibaba,
sisingit nang salitan ang hiyawan ng “Cory! Cory!” at “Marcos pa rin! Marcos pa rin”
kasabay ng malakas na busina ng mga sasakyan.

GUIDO:
Lagpas na ng tanghali. Bakit hindi dinaanan ni Daddy ang mga sandwich?

AYI (Pakanta):
Guidu, ayaw mu bang
Lumabas
Para mag-bike …

GUIDO:
Nakalimutan na rin siguro nina Daddy at Mommy ang bertdey ko.
 
AYI (Pakanta):
Guidu, ayaw mu bang
Maglaro
Do’n sa labas?

GUIDO (Malungkot):
Ayoko. Makinig na lang tayo ng balita sa radyo.

Pipihitin ni Guido ang volume tuner. Lalakas ang transistor. Maririnig ang recorded awit
ng koro, pinagtagni-tagning piraso ng mga balita, habang binabago ang ayos ng mga
cut-out standees ayon sa realignment of forces.

 
KORO:
Hu - Hu - Hum
Humi - wa - layyy
Humiwalay
Humiwalay
Humiwalay
Humiwalay sina Ramos at Enrile
Sina Ramos at Enrile? (Oo, sila!)
Sina Ramos at Enrile!! (Walang iba!)
Kanino? (Kanino paaa?)
E DI KAY MARCOS! (O tapos?)
Hu - Hu - Hum
Humi-ngi
Humingi
Humingi
Humingi
Humingi sila ng tulong
KAY CARDINAL SIN!

 
Tutunog ang telepono. Pupuntahan ni AYI. Sasagutin.


KORO:
Sumugod ang mga tao
Sa harap ng Kampo
Para proteksiyunan
Ang mga sundalo …
 
(Ang tao? Sa kampo? Para sa sundalo?
Sa Kampo? Sundalo? Para sa mga tao?
Ang tao? Sundalo? Para nasa Kampo?)

KORO:
Nakagugulat!
Nakaloloko!
Dapat ay sundalo
Sundalo’ng lulusob
Para may proteksiyon
Ang lahat ng tao …

(Sundalo? Sa Kampo? Niligtas ng tao?
Niligtas sa Kampo? Ng tao? Sundalo?
Ang tao? Naglitas sa Kampo? Ng mga sundalo?)
 
Nakaloloko!
Nakaloloko!
Nakalolokooo!

Iaabot ni AYI kay GUIDO ang telepono. Mag-uusap sa telepono sina GUIDO at MOMMY niya.
Lalapit ang MOMMY, may hawak na oversized phone. Dueto ng MOMMY at ni GUIDO.
Maaari ding regular na usapan lamang.

 

MOMMY:                                  GUIDO:

Guido, son,                                  I’m fine, Mommy,
How are you?                            Fine, Thank you!
(Please, son                                      (Please, mom
Huwag mong babanggitin,        Banggitin mo, Mom
Please!                                                  Please
Ayokong ma-guilty!                     Please, let me know
Ayokong malito!                               Na naaalala mo
Dahil sa bertdey mo!)                    Ang bertdey ko!)

Matatabunan ang boses nina GUIDO at MOMMY niya ng NEWS REPORT.

NEWS REPORT VO:
General Ramos and Senator Enrile had cut off their ties with President Marcos.
They turned to Cardinal Sin for support. People rushed to Camp Crame to protect the
soldiers from Marcos’ loyal forces.
 
MOMMY:
Guido, son,
Remember, we love you!

Magha-hung up ang MOMMY niya. Tunog na lang ng telepono ang maririnig natin.
Yuyupyop sa mga palad niya si GUIDO para umiyak nang tahimik. Unti-unting didilim
ang tanghalan hanggang sa makatulog si GUIDO. Mananatiling bukas ang radyo sa
dilim.

Pagkaraan, darating ang MOMMY at DADDY niya. May dala silang styrofoam na kulay
yellow ng Laban sign at bilog na barbed wire na may yellow ribbon. Pareho din silang
naka-Cory yellow t-shirt at maong na pantaloon. Hindi sila magsusuot ng maskara
habang nagkukuwento kahit gumaganap ng ibang tauhan.

Sisilipin nila si Guido, saka patiyad na lalapit sa kama para ayusin ang pagkakahiga ng
anak. Mapabubuntung-hininga sila. Ilalagay din nila nang maayos sa kama ang Laban
sign at barbed wire na may ribbon. Magigising si GUIDO. Biglang babangon.

GUIDO:
Mommy, Daddy …

DADDY:
We love you, son!

Sa tagpong ito, magkukuwento ang Mommy at Daddy ni Guido, nang hindi gumagamit
ng maskara kahit gumaganap ng ibang tauhan. Ang mga standees at cut-out ay lilipat
sa harapan, sa tagiliran nang tanghalan. Unti-unti namang mauurong sa likod ang tagpo sa kuwarto ni GUIDO. Hindi dapat itago sa manonood ang pagpapalit ng tagpo at
paglalagay ng mga props at standees sa eksena.

Excited na magkukuwento ang MOMMY at DADDY ni GUIDO, ia-arte ang nasaksikhan
nila sa EDSA. Inaantok na makikinig si GUIDO. Pero kasalit ng huma-harurot at
dramatikong kuwento ng dalawang magulang ang malungkot, makabagbagdamdaming
pagkanta ni GUIDO ng iniisip niya habang nakikinig sa kuwento.

GUIDO:
How are you, Mom? Are you okay, Dad?

DADDY:
We’re fine, hijo.

MOMMY:
Pagod lang. At amoy-pawis!

DADDY:
And very, very hungry!

MOMMY:
Naku, Guido! Nakita mo sana ‘yung nangyari sa EDSA. Saksakan ng dami ang tao.

DADDY:
Nasa harap namin ‘yung mga tangke. Napaliligiran ng mga Marines.

MOMMY:
Ang itim pala nila. At ang lalaki ng mga hawak na armas.

DADDY:
Pero ang babata pa nila. Halos ilang taon lang ang tanda nila sa iyo, Guido!
 
GUIDO:
(Aawit.) Naalala ba ninyo …

MOMMY:
Hindi sila tumitingin nang deretso sa amin. Hindi sila ngumingiti.

DADDY:
Nasa likuran lang sila ng tangke.

MOMMY:
God, ang laki-laki ng tangke! How very big the tank! Parang higanteng pagong! (Iihitin sa
katatawa.)

GUIDO:
(Aawit.) Na bukas na ang bertdey ko …

DADDY:
Tapos, isang babaeng may hawak na krus ang nagpunta sa harapan para kausapin ‘yung
mga sundalo …
 
Iaarte ng MOMMY ang tagpo.

MOMMY:
(Hawak ang krus.) Peace, brod, sabi niya.

DADDY:
Pero ayaw talagang tumingin ng mga sundalo.

Iaarte ng DADDY ang sundalo. Naka-attention, may hawak na di-nakikitang armas na
nakaturo sa ibaba.

DADDY:
(Matigas ang anyo.) “Sumusunod lang ho kami sa utos,” sabi nito.

MOMMY:
Magkababayan tayo, brod, sabi ng babae. May mga anak ako. Iniwan ko lang sa bahay.
Ang asawa ko nasa abroad, kasi walang makitang trabaho dito sa atin. Huwag ninyo
kaming saktan! Gusto lang naming ipaglaban ang ating kalayaan! Sumama na kayo sa
amin!
 
Magsisimulang kumanta ang babae ng “Bayan Ko.” Magtitikas-pahinga ang sundalo
pero matigas pa rin ang anyo. Pagkaraan, sasabayan ang babae ng naka-taped na kanta ng maraming tao ng “Bayan Ko.” Maiiyak ang babae.

MOMMY:
Naiyak ‘yung babae. Naiyak na rin ‘yong mga katabi ko.

DADDY:
Nakita kong nagpahid din ng luha ‘yung mga sundalong kaharap niya. (Magpapahid ng
luha, habang nakatikas-pahinga.)

MOMMY:
Pero nagsimulang umusad ang tangke.

DADDY:
Nagsigawan ang mga tao!

MOMMY:
Nagkapit-bisig kaming lahat!
 
DADDY:
‘Yung babaeng may hawak na krus, sumugod sa harap ng tangke.

MOMMY:
Peace, brod. God loves you! Brod, we love you!

DADDY:
Sumunod kaming lahat sa babaeng may hawak na krus.
 
MOMMY:
Pinalibutan namin ang umuusad na tangke.
 
DADDY:
Tapos, narinig namin ang utos ng opisyal.

MOMMY:
Pinaurong ang tangke at pinababalik!

DADDY:
(Lulundag.) Naglundagan kami sa tuwa!

MOMMY:
(Yayakapin ang DADDY.) Nagyakapan kami at nag-iyakan at nagsisigaw sa tuwa …

DADDY:
Hanggang sa lumayo nang malayong-malayo ang tangke!

GUIDO:
(Aawit.) Mommy … Daddy …
Bukas na po ang bertdey kooo …
 
Halos magkasabay na matitimbuwang sa kama, sa bandang head board, ang MOMMY
at DADDY dahil sa matinding pagod.

Parehong naka-Laban sign ang mga kamay. Malakas na maghihilik. Lulundag para
bumaba ng kama si GUIDO, nakapulupot sa katawan ang mahabang listahan ng
birthday wishes.

Papasok si AYI, aakbayan si GUIDO. Tintingnan nila ang naghihilik na MOMMY at DADDY.

GUIDO:
Huwag na lang natin silang istorbohin tungkol sa bertdey ko. Pagod na pagod na sila.
Bukas, babalik uli sila sa EDSA.

Magdidilim ang tanghalan.

PEBRERO 24, MONDAY

Umaga, sa sala. Nasa harap sila ng TV set na naka-talikod sa manonood. Tinutulungan
ni AYI si GUIDO na magsuot ng damit. Bagong-paligo si GUIDO. Pupulbusan ni AYI ang alaga ng baby powder mula sa espongha. Puting-puti ang mukha ni GUIDO. Naiinis na pupunasan nang mariin ni GUIDO ng tuwalya ang mukha para mawala ang pulbos.
 
Maririnig ang naka-taped na balita.

NEWS REPORT VO:

Ang ating latest bulletin. Umalis na raw ang mga Marcos sa MalacaƱang. Repeat: Umalis
na si Pangulong Marcos at ang kaniyang pamilya sa MalacaƱang. We will try to verify
this. Repeat: This is an unverified report.

Maririnig na kasunod ng balita ang pagtugtog ng “Mambo Magsaysay.” Sabay halos na
papalundag sa tuwa sina AYI at GUIDO.

AYI:
Wala na si Marcos! Wala na si Imelda!

GUIDO:
Uuwi na sina Mommy at Daddy! Ibig sabihin, puwede pa rin akong magkaroon ng
birthday party bukas!

AYI:
Sus, guinoo! Natupad ang prayer ko kay Santa Zita at Mary Rose. Sabi ko kasi kagabi,
Dear Santa Zita at Mary Rose, Tulungan n’yo naman ang Little Boy ko. Kasi gusto niyang
magkaroon ng bertdey parti. Sige na, Lord, Santa Zita at Mary Rose. Balato na lang nimo
sa bata ang bertdey parti niya. Tigbakin n’yo na si Marcos para matuloy ang parti. At …
Mali pala si Ate Guy! “Hindi totoong walang himalaaa!”

GUIDO:
Tuloy ang bertdey parti ko!

Kakanta at magsasayaw ang dalawa.

GUIDO/AYI:
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti

GUIDO:
Tatawagan ko lang ang mga classmate at friend ko. Sasabihin ko, dito na lang kami
magpa-parti!

GUIDO/AYI:
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti

GUIDO:
Bibili na lang tayo ng cake. Nine candles, Ayi! Saka –

GUIDO/AYI:
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti

AYI:
Ako na ang gagawa ng spaghetti. Specialty ko ‘yon!

GUIDO:
Hindi na baling walang regalo sa akin ‘yung mga friends ko. Ang importante meron
tayong –

GUIDO/AYI:
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti

Maaaring i-belt ni AYI ang kaniyang huling linya, parang last line ng mga Negro
spirituals.

Pero bigla silang mapapatda sa bagong NEWS REPORT.

NEWS REPORT VO:
Narito ang latest news bulletin:

Nasa MalacaƱang pa rin sina Marcos. Repeat: Nasa MalacaƱang pa rin ang Pangulong
Marcos at ang kaniyang pamilya, contrary to earlier reports. This is a confirmed report.
Repeat: It has been confirmed na nasa MalacaƱang pa rin si Pangulong Marcos at ang
kaniyang pamilya. Please stay tuned to our People Power coverage.
 
Manghihina sina GUIDO at AYI sa narinig.

GUIDO/AYI:
Hayyy …

GUIDO:
Hindi pa rin makauuwi sina Mommy at Daddy.

AYI:
Ate Guy, Santa Zita, and Mary Rose, ano ba talaga, mga tita!?

GUIDO:
Hindi na talaga matutuloy ang birthday party ko. Hindi na natin kailangan ng –

Aawitin nila ang very sad version.

GUIDO/AYI:
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti

Magdidilim ang tahanan. Salitang maririnig ang “Cory! Cory!” at “Marcos pa rin!”
kasaliw ng “Impossible Dream.”

PEBRERO 25, MIYERKULES, BERTDEY NI GUIDO

Umaga. Wala nang anomang gamit sa bahay nina GUIDO. Masayang papasok ang
MOMMY at DADDY niya. Hahalikan siya.

Habang nagaganap ang tagpong ito, maaaring kabitan ng mga kulay-Cory yellow na
lobo at ribbons ang mga cut-outs at standees sa paligid. Para unti-unting maging festive
ang milieu.
 
MOMMY/DADDY:
Happy birthday, Guido! Son!

MOMMY:
Don’t worry, son. Ipinahahanda ko ang mga pagkain para sa party mo.

Huhubaran ng pang-itaas ng MOMMY niya si GUIDO at papalitan ng dilaw na t-shirt.

GUIDO:
Hindi po ba kayo pupunta ngyon sa EDSA?

DADDY:
Pupunta – at kasama ka!

GUIDO:
Yehey!

MOMMY:
Sa EDSA na natin ise-celebrate ang birthday mo. Doon na tayo magpaparty!

Hindi makapaniwala si GUIDO.

DADDY:
Magkakaroon ka ng pinakamalaking birthday party sa buong mundo!

Maririnig ang “Magkaisa” bilang transition music.

Sa EDSA. Napapalibutan ng mga dumalo sa People Power si GUIDO. Ipapasok ni AYI ang
isang malaking cake, na may siyam na yellow candles.

AYI:
Sus, ginoo, Guidu, nakita mo na ba kung gaano karami ang tao sa parti nimu? Look ako
sa left, mga babae, lalake, bata, matatanda. Mga kayumangging mukha. Look ako sa
right, mga babae, lalake, bata, matanda. Mga kayunmangging mukha! Nag-left-right, leftright
na ako nang paulit-ulit, pero hindi nababawasan ang tao. Parang parami pa nga ng
parami. Ang saya-saya ng parti nimu, Guidu. (Yayakapin si GUIDO at hahalikan.)
 
GUIDO:
Ayi, one month ka na bang nagra-rally sa EDSA?

AYI:
Ano ka? First time ko lang ito. First day. First chance na maging bayani, at maging tunay
na tapagapagmana ng kadakilaan nina Gabriela Silang at Tandang Sora! – E bakit mu
naman naitanong ‘yon?
 
GUIDO:
Iba kasi ang amoy mo, Ayi! I think you should take a shower.

AYI:
Ano’ng shower-shower? I don’t want to miss the action, Guidu! (Sisigaw.) Cory! Cory!
Cory! – Nandito kaya si Kris? Magpapa-autograph ako!

Darating si BUBOY.

BUBOY:
Hapi bertdey, Guido. (Iaabot kay GUIDO ang isang yellow baseball cap.) Tenk yu sa
invitation card, ha!

GUIDO:
Tenk yu din.

BUBOY:
Ayan, redi na ‘yung cake!

MOMMY/DADDY:
Make a wish, Guido. Make a wish!

Pipikit nang nakatingala si GUIDO.

AYI/BUBOY:
Five, four, three, two, blow!

Hihipan ni GUIDO ang cake. Palakpakan. Magkakantahan ng “Happy Birthday, Guido”
ang lahat ng naroon. Pakapalin ang recorded crowd song.

BUBOY:
Ano’ng winish mo, Guido? Ano’ng wish mo?

GUIDO:
Secret …

Maririnig ang tunog ng isang helicopter mula sa itaas. Titingala lahat. Saka magtataas
ng kamao at sisigaw ng “Cory! Cory! Cory!”

Pero biglang susutsot ang DADDY niya. Makikinig ng balita sa radyong nasa balikat.

DADDY:
Sssh! Me balita! Pakinggan n’yo.

Sisiksik sa DADDY sina MOMMY, AYI, BUBOY, pati si GUIDO, para makipakinig ng balita.

Tahimik na tahimik ang lahat. Biglang maglulundagan at sisigaw.

DADDY:
Umalis na si Marcos! Wala na sila sa MalacaƱang! Malaya na tayooo!

Magsisigawan uli ng “Cory! Cory! Cory!” Maririnig din ang mga putukan. Panay-panay
ang busina ng mga sasakyan.

Yayakapin at hahalikan ng mga magulang niya si GUIDO.

MOMMY:
Happy birthday, son! Malaya na tayooo!

LAHAT:
Wala na ang diktador!

Maririnig ang “Tie A Yellow Ribbon.” Ilalabas ang isang kawayan na may carton cut-out
ni MARCOS sakay ng helicopter sa itaas.

LAHAT:
Malaya na ang Filipinas! Mabuhay ang Filipino!

Mabilis na malilinis ang set. Bahagyang didilim bagaman patuloy na maririnig ang
ingay ng selebrasyon at mga busina ng sasakyan.

Maaaring gamitin ang pinagdugtong-dugtong na bahagi ng mga kantabg sumikat
noong EDSA People Power bilang transition music.

Sa muling pagliliwanag, papasok ang kama ni GUIDO. Nakaupo siya sa gitna nito.
Ginagawang ribbon ang kaniyang mahabang listahan ng birthday wishes.

Tapos, ihahagis iyon sa basurahan malapit sa kama. Tatayo, nakapamaywang sa kama
si GUIDO.

GUIDO:
Iyon ang pinakamasayang birthday ko! Ang pinakamalaking birthday party sa buong
mundo kahit walang …
(Kakanta.)

Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti

Natupad naman ang birthday wish ko! Walang nakaaalam na nang hipan ko ‘yung mga
kandila sa birthday cake ko, ang wish na ibinulong ko ay … (Sisigaw.) Umalis n asana si
Marcosss!

Muling lalabas ang kawayang sa itaas ay may carton cut-out ni Marcos sakay ng
Helicopter.

Lalabas ang buong cast. Sabay-sabay na kakanta, iba-ibang estilo, theme song.

LAHAT:
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Cory, Sin, Ramos, Enrile, confetti
Bayan, Diokno, TaƱada, Makati
Marines, madre, pare’t estudyante
Teachers, vendors, doctors, Ugarte
Nurses, singers, artista, baong bayani, kasali
Lahat tayo, lahat tayo, lahat ay kasali
Bata, matanda, lalake, babae
Lahat-lahat, bawat isa, lahay ay BAYANIII!
 
WAKAS